Kung may magsabi sa inyong “pasaway kasi ang mga pilipino”, ask them this:
Sino ba yung hindi nag-ban ng mga flights nung pumutok ang COVID?
Sino ba yung hinayaang pumasok ang mga libo-libong POGO workers from China? (hanggang ngayon) at hindi masingil ng matinong tax?
Sino ba yung hindi bumibili ng mga vaccines maski ilang bilyon na ang inuutang?
Sino bang nagsabing kumain ka lang ng saging at ibabad sa gas yung mask mo panlaban sa COVID?
Sino ba yung paulit-ulit na nag-downplay sa crisis at sinasabing mawawala na lang ang COVID naturally?
Sino ba yung mas inuna pang nagpasara ng ABS-CBN sa gitna ng sunod2x na trahedya (Taal, Lindol, Super Typhoon) dahil lang may hinanakit siya dito, kaya nawalan ng trabaho ang 11,000 na mga empleyado nito kasama na yung mga hindi direktang empleyado?
Sino ba yung nagsabing gusto lang pabagsakin ang gobyerno ng mga doktor na humihingi ng tulong patungkol sa pandemya pagkatapos nila magsulat at magdiscuss sa FB live?
Sino ba yung imbis na mga doktor ang mga inilagay sa IATF eh mga heneral?
Sino ba yung mura lang ng mura na parang sabog at di mo maintindihan ang mga pinagsasabi every press conference tapos pinagtitripan si VP Leni at ang mga kritiko?
Sino ba yung ilang beses na binigyan ng emergency powers para labanan ang pandemya, pero mas inuna pang gumawa ng anti-terror act?
Sino bang nag-introduce ng “balik probinsya” program kaya mas lalong dumami ang kaso ng COVID sa buong bansa?
Sino bang nagpagawa ng walang ka-kwenta kwentang “beach” na gawa sa dolomite?
Sino bang hindi nagpa-implement ng contact tracing at mass testing?
Sino ba yung nagsasabing maliit na bagay ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID at pagka-over capacity ng mga ospital?
Sino ba yung nagpalusot sa manyanita ni Sinas at sa pagiging Dora the explorer ni Pimentel?
Sino ba yung nabuking na pinaturukan ng mga smuggled na COVID vaccines ang PSG at ibang military, police at government officials?
Sino ba yung nagsabing “matagal nang nakabakasyon” ang mga tao pero sila mismo yung nagpapatupad ng mga ECQ, GCQ, MECQ, MGCQ, LOCKDOWN at hindi na pinabyahe ang mga pampublikong mga sasakyan to the point na namamalimos na ang mga drivers sa kalye?
Sino ba yung nagre-reguire ng Philhealth ID para lang makakuha ng COVID vaccine ang mga tao, maski alam nating lahat na hindi naman lahat ng Pilipino ay may Philhealth ID or even a valid ID?
Sino ba yung ayaw mag-submit ng kanyang SALN?
Kung kaya ng mga mas mahihirap na bansa sa atin labanan ang COVID ibig sabihin nasa pagpapa-takbo na ng gobyerno ang problema.
Hindi na ito issue ng pagiging pasaway, dahil iwan na iwan na ang Pinas kumpara sa mga mas mahihirap at maraming taong mga bansang sineryoso ang pandemya.
Pero sige, lets assume for the benefit of the doubt na pasaway ang mga Pilipino.
Pasaway ang mga Pilipino dahil they can’t take this government seriously.
Because they don’t think that it will look out for their interest and the common good.
Kaya may mga sumisingit sa mga pila ng vaccine.
Kaya may mga nakikipag-unahan sa pagkuha ng supplies.
Simply because Filipinos DON’T TRUST their government, dahil sa sunod sunod na kapalpakan na pinapakita nito.
Kung alam mong bulok ang sistema, hindi mo dito i-aasa ang buhay mo at ng mga taong mahal mo, ikaw na mismo maghahanap ng diskarte dahil alam mong wala kang maasahan sa gobyerno.