Umuwi ako samin sakay ng jeep galing gym.
Umulan kasi nun kaya basa ang daan.

Sa jeep palang may naamoy akong amoy tae.
Hinanap ko sa paligid ko pero wala akong makita.

nakauwi nako’t lahat ang naamoy ko parin eh tae.
yung tae na mabaho na amoy tae ng tao.

tapos nun nagbihis nako at naghanadang kumain,
nakakain na ko’t lahat pero amoy tae parin.

kaya umakyat ako papuntang banyo at naghandang maligo,
pagharap ko sa salamin may nakita akong brown sa may malapit sa kanang mata ko.

sinubukan kong alisin pero makapal at mahigpit ang pagkakakapit kaya kinamot ko.

di naman siya ganun kalakihan mga less than an inch siguro.

pag-amoy ko…

SYET YUN YUNG TAE GRRRRAAAAAAHHHHH!!!!!

———–

Yung next na punta ko naman ng gym puno yung tricycle na sasakyan ko sana kaya sa likod ako pinasakay.

yung katabi ko isang mataba at malaking lalaki kaya yung pwit ko sakto lang dun sa upuan ko.

pag-upo na pagupo ko akalain mo ba namang biglang umandar ang tricycle tapos wala akong makapitan!

kumapit ako sa ilalim ng upuan ko yun na yata ang pinakamahigpit kong kapit buti na lang hindi kumanan o kaliwa bigla yun kundi tatalsik talaga ako.

pagbaba ko sabi ko “whew nakakaaning yun ah” sabi nung drayber “anong nakakaaning ser” tapos yung mukha nya parang gulat na gulat pa.

“Eh muntik mo nakong patayin kaya!” aba’y natawa pa ang gago.

(syet late nako sa gym)

RELATED:  Spirit of the father