isang araw naglalakad sa mall…
uy ganda nung sapatos o… (pero wala akong pera eh)
uy ganda nung digicam o…(pero wala akong pera eh)
uy ganda nung palabas o… (pero wala akong pera eh)
ganun halos lagi.
mapipilitan kang maging buddhist ng wala sa oras alam mo yun? yung “life is all an illusion, we must detach ourselves from all material urges”.
eventually pag nakakakita ka ng matanda na may dalang anak at yung anak eh kasalukuyang madungis kasi yung matandang yun eh namamalimos sa kalsada (though hindi naman ako ganun kahirap) mapapaisip ka minsan kung tama ang tinatahak mong landas.
usually tinatanong ako ng mga kaibigan ko at mga kakilala bakit ako hindi maghanap ng more higher paying job. sa mga ganung pagkakataon naaalala ko yung mga tanong na yun kung naglalakad ako sa U.P.
daming sagot ang umiikot sa utak ko. may ibang minsan nakikipagdebate sa sarili ko at may mga iba namang gusto na lang manahimik at namimilit mamalagi sa isang sulok ng “Bahala na”.
pero kadalasan naisasagot ko eh ang mga ito:
unagang una taga-U.P. ako at anim na taon ako sa U.P. tax ng gobyerno ang nagbayad ng tuition ko kung ikukumpara mo yung hirap ng mga tao sa paligid mo at nung eskwelahang pinasukan mo eh parang minsan hindi nagkakalayo…
hindi awa ang mararamdaman mo kundi responsibilidad… dapat nga apat na taon lang ako sa UP pero umabot ng anim dahil sa pulitika…
pangalawa hindi namang ibig sabihin dahil nabubuhay ako ng ganito at hindi ko nabibili ang mga gusto ko eh hindi ako masaya. sa totoo lang madaling lumigaya kung madami kang kagamitan kung may maganda kang Ipod o Digicam pero minsan maiisip mo rin eh… lahat ng bagay na ito nagbabago next year baka hindi na Ipod ang sikat baka iba na baka hindi na digicam ang in baka iba na…
tama yung nagsabi ng ang kaligayahan ng tao eh temporary lang kung materyal na bagay… kasi eventually matututo kang maghanap ng bagay na mas bago at mas maganda.
sa makatuwid masaya pa naman ako simpleng pamumuhay simpleng kain barbecue o paminsang minsang salo salo ng halo halo sa philcoa kasama ang mga kaibigan at mahal ko sa buhay ayos na.
pero minsan naiisip mo rin kelan ka makakapagpatayo ng bahay.
kelan ka magkakotse.
san mo hahalungkatin yung pang tuition ng anak mo.
san mo kukunin pang kasal mo at pagpapaanak sa magiging asawa mo.
yung mangangarap kang makita ang iba’t ibang lugar sa mundo.
yung makaikot ka’t makita ang magagandang tanawin.
buong buhay ko puros tanong ang nasa isip ko.
ewan ko pero baka ito yung plano ng diyos sakin di ko lang talaga alam.
hindi rin naman ako nagsisisi palagay ko mas gusto nya ako dito kaysa sa iba.
may merits din naman ang pagiging ganito.
hindi ka tumitigil sa pagiisip at pagtatanong.
kumbaga araw araw kang namumrublema tungkol sa kung paano uunlad ang bayan mo.
san ang susunod na rally.
ano ang mga sasabihin ng mga nasa gobyerno at ilang karatula ang ipipinta at ibibigay sa mga rallyista.
meron dyang tatawagin kang komunista.
meron diyang tatawagin kang hibang.
meron diyang tatawagin kang aktibista sabay hihiritan ng “Ay oo nga taga UP ka kasi”
unang una hindi ako komunista.
medyo hibang siguro ako depende kung pano mo i-define yun.
at oo aktibista ako hindi dahil taga UP ako kundi dahil sa katotohanang ipinakita sakin ng eskwelahan ko.
pero minsan din iisipin mo kung ganito na ang magiging buhay mo habang buhay.
siguro nga ganun na ang magiging buhay ko… ewan ko…
sana lang nga maibuhay ko ng tama at sang-ayon sa katotohanan ng aking henerasyon.
sa totoo lang takot ako… lahat naman tayo takot…
takot sa buhay na walang katiyakan.
takot sa mga problemang pwedeng daanan.
takot dahil tinatakot ng buhay na mahirap.
takot dahil baka mabuhay kang walang naiambag.
pero sa huli eh mas matatakot kang nabuhay ka para lang sa sarili.
mas takot ako dun ^_^