Table of Contents
(Addendum: Interestingly John Nery agrees with me see – The Angat Buhay NGO is not enough)
As everyone following this blog knows, unfortunately na-predict ko na matatalo si Leni at Kiko this 2022 election.
Pero I was still hopeful na we could turn things around kaya ikinampanya ko pa rin sila.
Yun lang nga hindi naging maganda ang resulta ng eleksyon.
Sobrang hindi naging maganda na pakiramdam ko may halong daya sa bilangan na sinigurado pang bayad ang mga tao other than the fact na brainwashed na ang mga pilipino pagdating sa fake news at propaganda.
Pero bago tayo dumating sa analysis kung bakit hindi naging maganda ang eleksyon at ano ang mga issues na nakapalibot dito mag-rereact muna ako sa planong NGO ni Leni.
Bakit Hindi Sapat Ang Angat Buhay NGO
Dear Madam Leni,
Maraming salamat po sa itatayo ninyong Angat Buhay NGO pero at this time mukhang hihiwalay po ako ng opinyon.
Susuportahan ko pa rin kayo bilang lider pero sa experience ko kapag tinutulungan mo pa rin yung mga taong walang ibang gusto kundi pabagsakin ka at sirain ang pagkatao mo, chances are maabuso ka lang po at uubusin nila ang kung anong meron ka.
Ang dami ko na pong experience dito, yung kahit alam nilang nagtatrabaho ka bilang human rights advocate at kinausap mo na sila na tatargetin sila ni Duterte kaya kung pwede wag nila siyang iboto and yet binoto pa rin nila maski ikaw mismo ang gumagastos ng renta, tubig, pagkain at kuryente nila.
Maniwala po kayo sakin aabusuhin ka po nila, at hanggat alam nilang mabuti kang tao THEY WILL TAKE ADVANTAGE OF YOU.
Hindi ito naiiba sa isang kakilala kong may asawa’t anak na pero sa magulang pa rin umaasa ng panggastos nila at kulang na lang eh ubusin ang ipon ng nanay at tatay nila kesa gamitin ng magulang ang natitirang perang pang retiro eh ibibigay pa nila sa kanilang mga apo habang walang trabaho ang kanilang anak at nagpapalaki ng tyan.
O kaya yung maski wala nang makain sa bahay ang mga anak nya basta lang may pagkain ang mga manok niyang pangsabong na maski pinapadalhan ng pera ng mga anak nyang nasa abroad eh ba-on pa rin sa utang at hindi nakakabayad sa oras.
Ika nga ng isang wise sage:
“Do not try to rescue someone who does not want to be rescued, and be very careful about rescuing someone who does.”
Alam ko salungat ito sa pinaniniwalaan ninyong “Radikal ang magmahal” ngunit minsan kailangan matuto ang tao sa consequences ng mga desisyon nya and the more na tinotolerate mo sila the more na mas gaganahan pa silang gawin ang alam nilang mali.
Naiintindihan kong gusto ninyong makatulong, pero yun lang nga po anim na taon kayong tumulong pero sinuklian kayo ng mas madaming boto kay BBM, maski gumastos at nag gugol ng oras ang libo libong volunteers sa buong bansa still in the end natalo pa rin kayong dalawa ni Kiko.
Hindi kaya oras na para ibang strategy naman ang gawin ninyo kasi the way I see it parang cycle of helping lang po ang nagaganap at hindi siya nag tatranslate to any social movement na may ideology na pinaglalaban.
At yun po ang malaking elephant in the room.
Ano po ba talagang ipinaglalaban ninyo or wala ba kayo talagang ipinaglalaban at gusto nyo lang talagang tumulong?
Bakit hindi po natin simulan sa mga pagkilos upang palayain si Senator Leila De Lima?
Bakit hindi po natin simulan sa mga pagkilos para mas gumanda ang state of education sa bansa?
Bakit hindi po natin simulan sa mga pagkilos laban sa mga panghihimasok ng China sa ating karagatan?
Bakit hindi po natin simulan sa mga pagkilos laban sa Red-Tagging ng gobyerno?
Bakit hindi po natin simulan sa mga pagkilos laban sa pagpapabaya ng social media sa pagpapakalat ng fake news?
Bakit hindi po natin simulan sa mga pagkilos laban sa pagsira ng gobyerno sa media?
Naka-kahon na lang po ba tayo sa pagtulong sa kapwa na pwede namang tulungan ni BBM?
Bakit hindi po muna natin tulungan ang ating mga sarili at ang mga taong tumulong satin, bago natin tulungan ang mga ibang hindi naman deserving tulungan?
Siguro mababaw pa ang pag-unawa ko, at mas malalim ang pinanggagalingan ninyo, ang akin lang ay mainam na palawakin ang ating mga advocacies at organizing.
Ang palagay ko po ay ang tingin ninyo na lalambot ang puso ng mga dating umaaway sa inyo at ng mga kalaban ninyo dahil sa mga kabutihang gagawin ninyo, ngunit kung ito ay totoo eh di sana nanalo kayo dahil wala kayong ibang ginawa sa buong panunungkulan ninyo bilang VP kundi ang magmahal.
Sabi ng ibang mga kakampink eh baka naman ang goal talaga ng Angat Buhay ay upang palawakin ang grassroots campaign dahil nga unang una hindi kayo kilala ng mga tao, kulang sa name recall at mas talamak ang fake news na kunakalat sa inyo kesa sa mga magagandang nagawa ninyo.
Ang totoo po nyan ay hindi po talaga alam ng mga tao kung anong plano ninyo, pero heto lang po ang masasabi ko:
Mag-susucceed kayo sa pagtulong ng mga tao pero magkakaron ng malawakang donors at volunteers fatigue kung yun ang landas na tatahakin ninyo.
Hindi po kasi bottomless ang pera ng taumbayan, yan ang unang unang problema ng isang NGO, saan makakakalap ng pondo.
At ang masakit pa nito another band-aid solution nanaman po yung gagawin ninyo instead of fixing the system and the root cause of it.
And ang bottomline nitong argument ko is dahil eventually uunahin ni BBM-Sara at ng mga alipores nilang baguhin ang saligang batas. (more on this later)
Baka nga hindi lang baguhin malamang sirain at palitan ng bago ang constitution dahil ito ang pinaka malaking sampal sa pamilya BBM at ang natitirang kaisa-isang legacy ng EDSA.
We will go the way of Hong-kong kung saan pinalitan ang mga lider atsaka pinalitan ang saligang batas.
Ang advantage lang ng Pilipinas eh malayo siya sa China pero only God knows kung ilang mga intsik na ang nasa Pilipinas at I am pretty sure entrenched na sila sa buong gobyerno at sistema ng bansa.
So ang cost ng pagtulong po ninyo ay mas malaki kesa sa benefit na makukuha ng mga matutulungan ninyo.
Kumbaga sa isang bahay, busy po kayo sa paglilinis at pagpapakain ng mga nakatira sa loob ngunit ang buong bahay pala ay inaanay.
Again pointless.
Baka oras na po talagang gumalaw na po kayo sa social movement, dun na kayo dinadala ng kasaysayan at wala na po talagang choice kung hindi doon.
At ang cost ng kung hindi po ninyo ito gagawin ay mas malaki kesa sa kung itutuloy po ninyo ang NGO.
I am not saying na wag po kayong tumulong or magtayo ng NGO, ang akin lang ay baka may mas maganda pang paraan upang makatulong baka nga mas mainam i-discuss kung ano ang definition ninyo ng pagtulong.
Saan magsisimula ang pagtulong at saan magtatapos, dahil for the past six years laging sa private sector na lang umaasa ang mga taong bayan.
Hindi Natalo Si Leni At Kiko, Dinaya Sila
Okay, now that’s out of the way dun naman tayo sa botohan at sa hocus pocus (magic) na nangyari.
Ang tingin ko dito lutong luto na talaga yung eleksyon nung simula pa lang.
Hindi mo talaga kayang sabihin na natalo kasi hindi naman naging patas ang labanan from the beginning.
Pinaasa lang tayo ni Duterte na magkakaron ng malinis at maayos na eleksyon pero hindi yun ang nangyari.
Habang busy tayo sa pangangampanya at literal na cramming dahil sobrang late na nagdeklara ni Leni at Kiko.
Busy ang ang buong BBM, Duterte, Erap, Arroyo sa paglalagay ng mga tao nila sa pwesto so ang daming avenues ang covered nila.
Pinag-isipan talaga.
Hawak nila yung logistics (dennis uy), yung (karamihan) ng tao sa comelec, at madami pang iba. Nilagay ko lahat to sa una kong article.
Pero for the sake of this issue ito yung mga iba ko pang nakalap na impormasyon, kayo na po ang bahalang humusga.
Occam’s Razor, put simply, states:
Anyway what’s done is done, and kahit sobrang nakakalungkot wala na tayong magagawa dahil huli na ang lahat.
Kung nag-reklamo sana tayo ng mas maaga baka mas madami pa tayong nasalbang mga boto.
Pero as always laging huli ang galawan ng opposition, laging reactionary walang sariling kumpas o galaw.
Lahat ng galaw dinidikta ng kalaban at ng fake news.
Which brings me to the order of battle ng BBM admin.
What To Expect In Another Marcos Presidency
As I mentioned earlier, ang unang papabagsakin ay ang konstitusyon at papalitan ito ng mas ‘dictator friendly’ na batas so expect na magkakaron ng malawakang pagtawag ng con-con or cha-cha or whatever you call it basta mapalitan ang batas to federalism and parliamentary form of government.
Ang sunod na gagawin nila is to tear down the opposition little by little, they could either go for the jugular which is Leni or they will create laws na will limit dissent.
Papalakasin din ni BBM ang kanyang gabinete by legitimizing it and getting intellectuals and technocrats sa malalaking eskwelahan like U.P. and Ateneo.
Papayag na lang ang madlang people dito kasi they will think ‘at least matino yung i-nappoint nya’ pero the whole point is gagamitin lang silang lahat ni BBM tulad ng kung paano ginamit ng tatay nya yung mga mahuhusay na tao noon na ang dahilan daw nila kaya nag stay sila sa puder ng tatay ni BBM eh they were hoping na ma-se-save pa nila ang bansa noong 70’s na eventually nauwi sa wala dahil yung problema ay hindi yung ekonomiya kundi yung leader.
Heto matindi, expect na mas magnanakaw pa ang pamilyang yan plus pardon his mom and get back all the ill gotten wealth they had na ang gobyerno lang ang humahadlang plus i-overturn ang republic versus sandiganbayan GR:152154 na napaka importanteng ruling ng supreme court.
Pero ang ugat talaga ng labanan ay nasa media.
Expect na babaha pa ng mas madaming fake news, at aatakihin ang media.
BBM will try and discredit traditional media and replace it with his own propaganda machine.
Babayaran at ilalagay sa kaniyang mga bulsa ang mga newscasters upang manahimik at magpakalat lang ng mga propaganda ng gobyerno tapos sisiran ang opposition at i-rered tag.
Sobrang lalakas ang buhos ng fake news sa social media, to the point na pati ang mga kakampink ay ma-ooverwhelm.
Ang gagawin ng opposition eh susubukang labanan ito with ‘facts’ pero hindi nila kakayanin dahil walang batas na pumipigil sa mga trolls or nag-po-prohibit ng fake news.
As for the economy, lahat ng nakakausap kong ma-alam sa ekonomiya spells disaster for the next few years dahil din sa mga kapalpakan at corruption ng Duterte admin.
Mas madaming businesses ang magsasara at ang papalit nito ay yung mga cronies ni BBM.
Sosobra ang taas ng inflation at malamang na mas lalong tumaas ang utang ng bansa.
Good News though, malabong magdeklara si BBM ng Martial law unless gawan nya ng paraan upang mapasunod ulit ang military at pulis which means kailangan nyang bayaran ang mga ito at bigyan ng ‘incentives’.
Ang saving grace na lang siguro ng Pilipinas eh hindi siya sing evil genius ng tatay nya, although may Gloria Macapagal Arroyo naman siyang back-up na kilalang mastermind sa tambalang Sara-BBM at isa pang hayok sa kapangyarihan.
Lastly BBM will sanitize his fathers name, so expect some monuments na ipapatayo or aayusin and celebrations na gagawin at idedeclare as a holiday.
Most probably BBM will shutdown yung ipapatayong Martial Law Museum tapos will downplay EDSA and Martial Law Anniversaries.
Pero of course pakitang gilas muna si BBM kasi nga dapat magkaron ng legitimacy ang kanyang gobyerno at mag-attract ng madaming investors dahil mas makakapagnakaw pa siya at makakautang sa ibang bansa.
Things to look out for:
Sino ang i-aappoint ni BBM sa Commission on Human Rights at anong gagawin ni BBM sa PCGG.
In ending let me leave you with this image na tumagos sa puso ko.